2 September 2026

Mayor Piwa Lim at mga Konsehal, Dumalo sa Groundbreaking ng Air Summit Grand Hall sa Tayabas

Mayor Piwa Lim at mga Konsehal, Dumalo sa Groundbreaking ng Air Summit Grand Hall sa Tayabas
DINALUHAN NI MAYOR PIWA LIM ANG GROUNDBREAKING CEREMONY PARA SA ITATAYONG AIR SUMMIT GRAND HALL sa Kamayan sa Palaisdaan Restaurant, Barangay Dapdap, Tayabas City noong Martes, September 1, 2026.

Kapag natapos na ang proyekto ay magiging dagdag ito sa mga pasilidad na maaaring pagsagawaan ng malakihang pagtitipon at mga pribadong aktibidad. Bukod pa sa dagdag na oportunidad at patuloy na pag-unlad ng lungsod.

Ang groundbreaking ceremony ay nagsilbing hudyat sa pagsisimula ng konstruksiyon ng Air Summit Grand Hall sa pamamahala ni Mrs. Evangeline delos Santos.

Kabilang din sa nakiisa sa pagtitipon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Konsehal Ana Obispo, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Elsa Rubio, PKB President Conrado Aragon at SK Federation President Ren Miguel Obdianela.

Patuloy namang ipinapakita ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas ang pakikiisa sa mga proyektong naglalayong palawakin ang mga oportunidad at suportahan ang pag-unlad ng lungsod ng Tayabas.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim at mga Konsehal, Dumalo sa Groundbreaking ng Air Summit Grand Hall sa Tayabas
Mayor Piwa Lim at mga Konsehal, Dumalo sa Groundbreaking ng Air Summit Grand Hall sa Tayabas
Mayor Piwa Lim at mga Konsehal, Dumalo sa Groundbreaking ng Air Summit Grand Hall sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top