2 September 2026

Mayor Piwa Lim, Nangako ng Agarang Pagkukumpuni ng mga Classroom sa Masin Elementary Schoo

Mayor Piwa Lim, Nangako ng Agarang Pagkukumpuni ng mga Classroom sa Masin Elementary Schoo
PAGSASAAYOS NG MGA NASIRANG SILID-ARALAN NG MASIN ELEMENTARY SCHOOL ang tinalakay sa katatapos na pagpupulong nina Mayor Piwa Lim at School Parent-Teacher Association officers sa pangunguna nina School Principal Arlene Pagana at SPTA President Manilyn Ocado ngayong Miyerkules, September 2, 2026.

Kasama ng alkalde sa pulong ang mga kawani ng Office of the City Engineer na sina Engineer-III Rayross J. Yacaba at Project Development Officer-II Engineer Jhumar C. Naynes.

Nagkortesiya ang mga guro at magulangin sa tanggapan ng punong lungsod upang talakayin ang hiling na pagpapakumpuni ng mga sirang classrooms, at iba pang pangangailangan ng paaralan upang matiyak ang mas ligtas at maayos na learning environment para sa mga mag-aaral at guro.

Nangako naman si Mayor Piwa Lim sa pamunuan ng paaralan na sa lalong madaling panahon ay agad na isasagawa ang repair sa mga silid ng Masin Elementary School.

Nagpaabot ng lubos na pasasalamat ang pamunuan ng paaralan sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa patuloy na pagsuporta upang higit na mapapaunlad ng mga pasilidad at kalidad ng edukasyon sa lungsod.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Nangako ng Agarang Pagkukumpuni ng mga Classroom sa Masin Elementary Schoo
Mayor Piwa Lim, Nangako ng Agarang Pagkukumpuni ng mga Classroom sa Masin Elementary Schoo
Mayor Piwa Lim, Nangako ng Agarang Pagkukumpuni ng mga Classroom sa Masin Elementary Schoo
Shared on
Scroll to Top