14 September 2026

102 Badminton Players, Nagtagisan sa Laro’t Saya Badminton Tournament

102 Badminton Players, Nagtagisan sa Laro’t Saya Badminton Tournament
SANDAA’T DALWANG BADMINTON PLAYERS ANG NAGTAGISAN SA HUSAY SA PAGHATAW NG SHUTTLECOCK SA KATATAPOS NA LARO’T SAYA BADMINTON TOURNAMENT noong Sabado, Setyembre 12, 2026, sa Silungang Bayan ng Tayabas.

Hinati sa siyam (9) na kategorya ang laban, kabilang ang Age Category 12 Under at 15 Under Doubles para sa boys at girls, Open Category Men’s at Women’s Doubles para sa Level B at C, at Mixed Doubles Level A.

Suportado ni Mayor Piwa Lim ang tournament na inorgansa ng Office of the Mayor-Sports and Development Office na layung isulong ang sports development at makapagbigay ng mga oportunidad sa mga atletang Tayabasin. Paraan din ito para higit pang mapaunlad ang kasanayan at talento ng mga kabataan at manlalarong Tayabasin sa badminton na maghihikayat sa mas marami pang mamamayan na makilahok sa mga gawaing pampalakasan.

102 Badminton Players, Nagtagisan sa Laro’t Saya Badminton Tournament
102 Badminton Players, Nagtagisan sa Laro’t Saya Badminton Tournament
102 Badminton Players, Nagtagisan sa Laro’t Saya Badminton Tournament
Shared on
Scroll to Top