14 September 2026

Philippine Army, Nag-courtesy Call kay Mayor Piwa Lim para sa SIMEX “TAYABAN” 01-2026

Philippine Army, Nag-courtesy Call kay Mayor Piwa Lim para sa SIMEX “TAYABAN” 01-2026
NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR PIWA LIM SI 1LT ANDRELIE JOHN G DANGUILAN (INF) Philippine Army, Team Leader ng Special Forces TM15002, 15th Special Forces “Conqueror” Company, 4th Special Forces Batallion, at ang kanyang mga kasamang kawal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas upang talakayin ang nalalapit na pagsasagawa ng Simulation Exercise (SIMEX) “TAYABAN” 01-2026. Isa itong aktibidad na naglalayong higit pang palakasin ang kahandaan at koordinasyon ng mga ahensya sa pagtugon sa mga sakuna at iba pang emergency situations.

Ipinahayag ni Mayor Piwa Lim ang buong suporta ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa mga programang nagtataguyod ng kaligtasan, seguridad, at kahandaan ng komunidad. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at iba pang stakeholders upang matiyak ang kapakanan ng bawat Tayabasin sa oras ng pangangailangan.
Kasamang humarap sa pulong si PKB President Conrado Aragon, kung saan tinalakay ang mga plano at mahahalagang paghahanda para sa naturang simulation exercise na magsisilbing pagsubok sa kakayahan ng iba’t ibang ahensya at sektor sa epektibong pagtugon sa mga posibleng krisis at kalamidad.

Ang SIMEX “TAYABAN” 01-2026 ay inaasahang magsisilbing mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng disaster resilience at emergency response capabilities ng lungsod, kasabay ng patuloy na pagsusulong ng isang ligtas, handa, at matatag na komunidad para sa lahat.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Philippine Army, Nag-courtesy Call kay Mayor Piwa Lim para sa SIMEX “TAYABAN” 01-2026
Philippine Army, Nag-courtesy Call kay Mayor Piwa Lim para sa SIMEX “TAYABAN” 01-2026
Philippine Army, Nag-courtesy Call kay Mayor Piwa Lim para sa SIMEX “TAYABAN” 01-2026
Shared on
Scroll to Top