14 September 2026

Ilasan Integrated School, Kinilala ang mga Natatanging Ambag sa Komunidad at Edukasyon

Ilasan Integrated School, Kinilala ang mga Natatanging Ambag sa Komunidad at Edukasyon
KINILALA NG ILASAN INTEGRATED SCHOOL ANG MGA NATATANGING INDIBIDWAL AT SEKTOR NA MAY MAHALAGANG AMBAG SA KOMUNIDAD AT EDUKASYON SA KATATAPOS NA 2nd GAWAD GINTONG KAMPANA noong September 11, 2026, sa Monterdes Event Hall.

Naging panauhing pandangal sa okasyon si Mayor Piwa Lim na dumalo kasama ang kanyang maybahay na si Ginang Minda Alcalen-Lim.

Mainit at masayang sinalubong ng pamunuan ng Ilasan Integrated School ang mga panauhin sa pangunguna ni School Principal Dr. Michael Safred. Bilang host ng programa, ipinakita ng paaralan ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo at sa patuloy na suporta ng mga katuwang sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon at pagpapaunlad ng kabataan.

Sa kanyang pagdalo, ipinahayag ni Mayor Piwa Lim ang kanyang suporta sa mga programang nagbibigay pagkilala sa kahusayan, dedikasyon, at mabubuting halimbawa ng mga indibidwal na nagsisilbing inspirasyon sa komunidad. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa ng sektor ng edukasyon at lokal na pamahalaan upang higit pang mapaunlad ang kapakanan ng mga mag-aaral at mamamayan ng Tayabas.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Ilasan Integrated School, Kinilala ang mga Natatanging Ambag sa Komunidad at Edukasyon
Ilasan Integrated School, Kinilala ang mga Natatanging Ambag sa Komunidad at Edukasyon
Ilasan Integrated School, Kinilala ang mga Natatanging Ambag sa Komunidad at Edukasyon
Shared on
Scroll to Top