23 September 2026

Kawani ng Tayabas, Nagpasiklaban sa Taunang Sportsfest 2026

Kawani ng Tayabas, Nagpasiklaban sa Taunang Sportsfest 2026
TULOY-TULOY ANG SAGUPAAN NG MGA MANLALARO NG RED, BLUE, GREEN, AT YELLOW TEAMS sa ginaganap na LGU Tayabas Sportsfest 2026 sa Silungang Bayan ng Tayabas. Nasa ikalawang araw na ang palaro at magiging kaabang-abang ang mga resulta ng bawat laban dahil malaking puntos ang ambag nito sa magiging final standing ng mga koponan.

Hinikayat naman ni Mayor Piwa Lim ang mga kalahok na gawing kasiya-siya at makabuluhan ang pagsasagawa ng iba’t ibang laro na nakapaloob sa taunang sports festival. Hangad niya “na maging masaya ang lahat at ngayon palang na wala pang nanalo ay sa tingin ko ay panalo na ang lahat dahil sigurado na ang lechon sa bawat koponan para sa gaganaping victory ball sa Huwebes.”

Agad na nagpakitang gilas ang mga koponan sa simula pa lamang ng kompetisyon. Maagap na pumarada ang mga kawani simula New Tayabas City Hall Complex sa Barangay Baguio patungong Silungang Bayan alas-siete ng umaga noong Martes, September 22, 2026. Nagpasiklaban sa ”welcome chants” ang mga players ng Team Blue Defenders, Yellow Falcons, Let’s Volt Green at Red Wolves pagkapasok sa Silungan. At sinundan ng Zumba Dance Warm-up.

Matapos ang opening ceremony ay umarangkada na ang labanan sa larong Pickleball, Beki Ball, Siko-siko, Mario Went to Court, Maria went to perya, Pass the Cup with stick, Cup and Sticks, Facemask, Twerk It like Miley, Tennis Ball, Sipa, Dart, Mobile Legends 5v5, Hula Hoop Relay, Volleyball Boys, Volleyball Girls, at Basketball.

Dagdag na pampasigla sa mga manlalaro ang maagang anunsyo ni UNGKAT President Jerome Suarez kaugnay ng pagkakaloob ng P5,000 sa bawat koponan buhat sa pondo ng Unyon ng mga Kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas (UNGKAT) bilang suporta sa mga kawani sa pagdiriwang ng sportsfest.

Ang LGU-Tayabas Sports Festival ay highlight ng pagdiriwang ng ika-126 na taon ng Civil Service Month at magtatagal hanggang Huwebes, September 24, 2026.

Patuloy na inaabangan kung sino ang tatanghaling Champion at kung sino ang magiging kulelat sa labanan. Pero sa huli, panalo ang lahat ng kawani dahil sa nabuong pagkakaisa, naipakitang sportsmanship, at makabuluhang pagsasama-sama.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Kawani ng Tayabas, Nagpasiklaban sa Taunang Sportsfest 2026
Kawani ng Tayabas, Nagpasiklaban sa Taunang Sportsfest 2026
Kawani ng Tayabas, Nagpasiklaban sa Taunang Sportsfest 2026
Shared on
Scroll to Top