23 September 2026

Lugaw ni Gov. Helen Tan, Pansit Habhab ni Mayor Piwa Lim, Handog sa mga Manlalaro

Lugaw ni Gov. Helen Tan, Pansit Habhab ni Mayor Piwa Lim, Handog sa mga Manlalaro
MAINIT NA LUGAW HANDOG NI GOVERNOR HELEN TAN, PANSIT HAB-HAB NA BAGONG LUTO NAMAN ANG KAY MAYOR PIWA LIM, AT IBA’T IBANG PRODUKTO ANG IPINAMAHAGI sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa ginaganap na LGU Sportsfest sa Silungang Bayan ng Tayabas ngayong Miyerkules, September 23, 2026.

Masarap na lugaw ang ipinadala ni Governor Helen Tan ngayong umaga para mainitan ang sikmura ng mga kawaning nakikiisa sa sportsfest. Naghanda rin ng masarap na pansit habhab si Mayor Piwa Lim para may panlaman sa tiyan. Samantalang namahagi ng samples ng Herbycin Cooling Mouth Spray, Yakult Probiotics, Bioderm Family Germicidal Soap at Markcafe ang mga sumusuportang pribadong kumpanya. May pameryendang kamote at macaroni (hot meals) naman ang City Nutrition Office para masigurong malakas ang mga manlalaro ng mga koponan.

Lubos ang pasasalamat ng mga kawani, gayundin ni Mayor Piwa Lim, sa suporta ng Provincial Government of Quezon at sa mga kumpanyang boluntaryong sumuporta sa LGU Sports Festival.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Lugaw ni Gov. Helen Tan, Pansit Habhab ni Mayor Piwa Lim, Handog sa mga Manlalaro
Lugaw ni Gov. Helen Tan, Pansit Habhab ni Mayor Piwa Lim, Handog sa mga Manlalaro
Lugaw ni Gov. Helen Tan, Pansit Habhab ni Mayor Piwa Lim, Handog sa mga Manlalaro
Shared on
Scroll to Top