24 September 2026

Blue Defenders, Yellow Falcons, Red Falcons at Let's Volt Green, Nagwagi sa Iba't ibang Laro

Blue Defenders, Yellow Falcons, Red Falcons at Let's Volt Green, Nagwagi sa Iba't ibang Laro
MAY KANYA-KANYANG PANALO ANG BLUE, YELLOW, RED AT GREEN TEAMS sa ikalawang araw ng LGU Tayabas Sportsfest 2026 noong Miyerkules, September 23, 2026, sa Silungang Bayan ng Tayabas.

Nakuha ng Blue Defenders ang panalo sa Sipa, Pickleball at Darts. Nasungkit naman ng Yellow Falcons ang panalo sa Mario Went to Perya. Ang Red Falcons ang nagtagumpay sa Maria Went to Court. Samantalang umariba ang Let’s Volt Green sa Siko-siko at Mobile Legends 5v5.

Sa pangatlo at huling araw ng sportsfest ngayong Huwebes ay ubos-lakas ang mga manlalaro ng mga koponan sa mga natitirang laban para makakuha ng mataas na puntos at masungkit ang kampiyonato sa taunang tagisang pampalakasan.

Magtatapos ang 126th Civil Service Month Celebration sa Lungsod ng Tayabas sa isang LGU Sportsfest Victory Party kasabay ang Araw ng Pasasalamat/Loyalty Awards Night, ngayong gabi ng Huwebes, September 24, 2026 sa Silungang Bayan sa pamamahala ng Human Resource Management Office.

At gaya ng binitawang pangako ni Mayor Piwa Lim, may lechon ang bawat team, manalo man o matalo, kampiyon man o kulelat. Dahil ang mahalaga, mas tumatag ang samahan, naipakita ang tunay na diwa ng sportsmanship at nag-enjoy ang lahat sa tatlong araw na break sa daily routine ang mga kawani.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Blue Defenders, Yellow Falcons, Red Falcons at Let's Volt Green, Nagwagi sa Iba't ibang Laro
Blue Defenders, Yellow Falcons, Red Falcons at Let's Volt Green, Nagwagi sa Iba't ibang Laro
Blue Defenders, Yellow Falcons, Red Falcons at Let's Volt Green, Nagwagi sa Iba't ibang Laro
Shared on
Scroll to Top