12 October 2026

Kabataang Atleta, Itinampok sa Laro’t Saya Arnis Cup School Sport Club-Edition

Kabataang Atleta, Itinampok sa Laro’t Saya Arnis Cup School Sport Club-Edition
NAGPALIGSAHAN SA LARONG ARNIS ang mga manlalaro mula sa iba't ibang paaralan sa Lungsod ng Tayabas at mga karatig-bayan sa ginanap na Laro't Saya Arnis Cup School Sport Club-Edition noong Sabado, October 10, 2026, sa Silungang Bayan ng Tayabas.

Inorganisa ang kompetisyon ng OCM-Physical Fitness and Sports Development Section sa pamumuno ni Coach Jeffrey C. Drio, katuwang ang Tayabas City Schools Division Office na layuning maipamalas ang husay, talento, at kakayahan ng mga mag-aaral sa larong arnis.

Nagpaabot pagbati si Mayor Piwa Lim sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Mr. Cristomo Abrigo, at kinilala ang kahalagahan ng pagsusulong ng mga larong pampalakasan na nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataang atleta na maipakita ang kanilang galing.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na naitataguyod ang diwa ng sportsmanship, disiplina, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok ng mga kabataan sa larangan ng palakasan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Kabataang Atleta, Itinampok sa Laro’t Saya Arnis Cup School Sport Club-Edition
Kabataang Atleta, Itinampok sa Laro’t Saya Arnis Cup School Sport Club-Edition
Kabataang Atleta, Itinampok sa Laro’t Saya Arnis Cup School Sport Club-Edition
Shared on
Scroll to Top