12 October 2026

Mga Estudyanteng Benepisyaryo ng SPES, Nagsimula ng 20-araw na Work Program

Mga Estudyanteng Benepisyaryo ng SPES, Nagsimula ng 20-araw na Work Program
HUMARAP KAY MAYOR PIWA LIM ANG BAGONG BATCH NG MGA BENEPISYARYO NG SPECIAL PROGRAM FOR THE EMPLOYMENT OF STUDENTS O SPES MULA SA OFFICE OF THE PROVINCIAL PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE MANAGER ngayong Lunes, Oktubre 12, 2026, kasama si Tayabas City PESO Manager-Designate Malou D. Montoya.

Nagbigay-tagubilin naman si Mayor Piwa Lim sa mga benepisyaryo na sulitin ang pagkakataong ipinagkakaloob sa kanila ng mga programa ng lokal at nasyunal na pamahalaan. Binigyang-diin niya na ang mga ganitong inisyatiba ay malaking tulong upang masuportahan ang kanilang pag-aaral at magsilbing hakbang tungo sa pagkamit ng kanilang mga pangarap sa buhay.

Ang SPES ay isang programang naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magkaroon ng makabuluhang karanasan sa trabaho habang patuloy na itinataguyod ang kanilang edukasyon. Sa ilalim ng programa, ang mga benepisyaryo ay magtatrabaho ng dalwampung (20) araw na may kabuuang sandaan dalwampung (120) oras. Ang mga kabilang sa batch na ito ay tatanggap ng karampatang sahod buhat sa pondo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Patuloy ng pamahalaan ang mga programang nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan upang mapaunlad ang kanilang kakayahan, magkaroon ng karanasan sa trabaho, at matulungan sa pagtustos sa kanilang mga pangangailangang pang-edukasyon.

#LungsodNaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mga Estudyanteng Benepisyaryo ng SPES, Nagsimula ng 20-araw na Work Program
Mga Estudyanteng Benepisyaryo ng SPES, Nagsimula ng 20-araw na Work Program
Mga Estudyanteng Benepisyaryo ng SPES, Nagsimula ng 20-araw na Work Program
Shared on
Scroll to Top