13 October 2026

Pagpapatupad ng ROTC sa CCT, Tinalakay sa Pulong Kasama si Mayor Piwa Lim

Pagpapatupad ng ROTC sa CCT, Tinalakay sa Pulong Kasama si Mayor Piwa Lim
NAGING PANAUHIN SA TANGGAPAN NI MAYOR PIWA LIM SI COL NORLEO G ADDULAM OS (OSC) PA, Colegio de la Ciudad de Tayabas ROTC Commandant, at ang mga kinatawan ng CCT ROTC Unit Training Staff and Advanced Officers noong Lunes, October 12, 2026.

Nakipagpulong ang mga opisyal sa alkalde, kasama sina CCT College Administrator Dr. Farley L. Abrigo, CCT Vice President for Administrative and Finance Affairs/PVT Florinette C. De Guzman, at NSTP Coordinator Faustino Calabano upang talakayin ang pagpapatupad ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa nasabing institusyon. At para lalong mapatibay ang koordinasyon sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng Colegio de la Ciudad de Tayabas hinggil sa pagpapatupad ng ROTC program, na inaasahang magtuturo sa mga mag-aaral ng tamang disiplina, pamumuno, responsibilidad, at pagmamahal sa bayan.

Patuloy na isinusulong ng pamahalaang lungsod ang pakikipagtulungan sa mga institusyong pang-edukasyon at iba pang kinauukulang ahensiya upang masuportahan ang mga programang nagbibigay-halaga sa edukasyon, paghubog ng kabataan, at paglilingkod sa komunidad.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Pagpapatupad ng ROTC sa CCT, Tinalakay sa Pulong Kasama si Mayor Piwa Lim
Pagpapatupad ng ROTC sa CCT, Tinalakay sa Pulong Kasama si Mayor Piwa Lim
Pagpapatupad ng ROTC sa CCT, Tinalakay sa Pulong Kasama si Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top