13 October 2026

Anim na Koponan, Nagtagisan sa Cooperative Month Team Building

Anim na Koponan, Nagtagisan sa Cooperative Month Team Building
NAG-MOTORCADE ANG MGA KINATAWAN NG IBA’T IBANG KOOPERATIBA SA LUNGSOD NG TAYABAS kaugnay ng pagdiriwang ng Cooperative Month 2026. Nagtapos ang motorcade sa Silungang Bayan ng Tayabas kung saan isinasagawa ang Team Building activities ngayong Martes, Oktubre 13, 2026.

Magkatuwang na inorganisa ng City Cooperative Development Office at mga kasaping kooperatiba ang makulay na motorcade na sinundan ng team building activity na kapapalooban ng iba’t ibang palaro.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang pagkakaisa, pagtutulungan, at samahan ng mga kasapi ng kooperatiba sa lungsod.

Sa mensaheng binasa ni Crisostomo Abrigo bilang kinatawan ni Mayor Piwa Lim, binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng patuloy na pagpapaunlad sa sektor ng kooperatiba bilang katuwang sa pagsusulong ng kabuhayan, pagtutulungan, at pag-unlad ng komunidad sa Lungsod ng Tayabas.

Dumalo sa nasabing pagdiriwang sina Chairperson Clotilde Abordo, TCCDC Chairperson Bernie Obmasca, Kiktartz Health and Wellness, at Chairperson Rustan Ocado.

May anim na koponan na kumakatawan sa iba’t ibang kooperatiba na magtatagisan sa mga palaro. Kabilang dito ang Red, Violet, Green, Blue, Yellow, at Orange Teams na magpapakitang-gilas sa Yell Competition at iba’t ibang parlor games.

Naging punong-abala sa naturang aktibidad ang Cooperative Development Office sa pangunguna ni Gener Abordo, katuwang ang mga kasaping kooperatiba.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Anim na Koponan, Nagtagisan sa Cooperative Month Team Building
Anim na Koponan, Nagtagisan sa Cooperative Month Team Building
Anim na Koponan, Nagtagisan sa Cooperative Month Team Building
Shared on
Scroll to Top