13 October 2026

Bagong NBI-Quezon chief, nakipag-ugnayan kay Mayor Piwa Lim

Bagong NBI-Quezon chief, nakipag-ugnayan kay Mayor Piwa Lim
NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR PIWA LIM SI ATTY. JEROME BOMEDIANO, ang bagong Quezon Provincial Chief ng National Bureau of Investigation (NBI), ngayong Martes, Oktubre 13, 2026.

Personal na bumisita ang bagong hepe ng NBI-Quezon sa tanggapan ni Mayor Piwa Lim upang makapagpakilala at makipag-ugnayan bilang kinatawan ng ahensya para patuloy na mapalakas ang ugnayan ng dalawang tanggapan sa pagsusulong ng maayos na koordinasyon at pagtutulungan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng mga mamamayan.

Patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas ang pakikipagtulungan sa mga pambansang ahensiya upang higit na mapahusay ang paghahatid ng serbisyo at mapangalagaan ang kapakanan ng mga Tayabasin.

#LungsodNaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Bagong NBI-Quezon chief, nakipag-ugnayan kay Mayor Piwa Lim
Bagong NBI-Quezon chief, nakipag-ugnayan kay Mayor Piwa Lim
Bagong NBI-Quezon chief, nakipag-ugnayan kay Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top