13 October 2026

Rotary Clubs, Nagkaloob ng Kagamitang Medikal sa Lungsod ng Tayabas

Rotary Clubs, Nagkaloob ng Kagamitang Medikal sa Lungsod ng Tayabas
PERSONAL NA TINANGGAP NI MAYOR PIWA LIM ANG MGA KAGAMITANG MEDIKAL NA DONASYON SA LUNGSOD NG TAYABAS NG ROTARY CLUB OF LOS BAÑOS MAKILING, SA PAMAMAGITAN NG ROTARY CLUB OF TAYABAS sa ilalim ng pamumuno ni President Barwin Dophet N. Labita, ngayong Martes, Oktubre 13, 2026.

Nagmula ang nasabing donasyon sa Rotary Club of Los Baños Makiling sa pamumuno ni President Cheryll L. Gonzales, at tinanggap ito ni Rotary Club of Tayabas President Barwin Labita, na sila namang nagdala nito sa Lungsod ng Tayabas.

Malaking tulong sa pangangailangan ng mga pasyente at ng komunidad ang mga ipinagkaloob na medical supplies at equipment kagaya ng disposable gown, sharp container, biohazard bag, underpads, briefs with wings, foam positioner, eggcrate heel and ankle pad, iba't ibang negative pressure wound therapy (NPWT) devices at accessories, gayundin ang aircast foam walker at air walker boots.

Sumaksi sa pagtanggap ng mga donasyon si City Health Officer Hernando Marquez.

Taos-pusong nagpasalamat si Mayor Piwa Lim, sa ngalan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas, sa Rotary Club of Los Baños Makiling at Rotary Club of Tayabas sa kanilang pagkakaisa at malasakit. Inaasahang makatutulong ang mga kagamitang ito upang higit pang mapahusay ang pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong medikal at pangangalaga sa mga pasyente at sa buong komunidad.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Rotary Clubs, Nagkaloob ng Kagamitang Medikal sa Lungsod ng Tayabas
Rotary Clubs, Nagkaloob ng Kagamitang Medikal sa Lungsod ng Tayabas
Rotary Clubs, Nagkaloob ng Kagamitang Medikal sa Lungsod ng Tayabas
Shared on
Scroll to Top