14 October 2026

Bagong Backhoe, Dagdag-Kagamitan ng Ecological Solid Waste Management Unit

Bagong Backhoe, Dagdag-Kagamitan ng Ecological Solid Waste Management Unit
DUMATING NA NOONG LUNES, OCTOBER 12, 2026, ANG BRAND NEW CRAWLER BACKHOE na binili ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas para gamitin sa sanitary landfill. Karagdagan ito sa mga heavy equipment na nakatalaga sa Ecological Solid Waste Management Unit ng City Environment and Natural Resources Office.

Mismong si Mayor Piwa Lim ang nanguna sa inspeksyon ng bagong backhoe upang matiyak ang kondisyon at ang kahandaan nito sa mga gawaing nakatakda para dito. Kasama rin sa inspeksyon sina City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz, General Services Officer Cecil Potestades, City Environment and Natural Resources Officer Melvin Rada, at City Engineer Christian Tamaño.

Napapanahon ang pagbili ng karagadagang crawler backhoe kasabay ng pagbubukas ng mga bagong cells ng sanitary landfill sa Barangay Pandakaki. Paghahanda ito sa inaasahang dagdag sa bulto ng mga solid waste na maiipon bunsod ng tuloy-tuloy na urbanisasyon ng lungsod, kabilang na ang nalalapit na pagbubukas ng mga commercial establishments kagaya ng mall.

Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga makinarya at kagamitan, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas ang kakayahan nitong tumugon sa mga pangangailangan ng komunidad at maisakatuparan ang mga programang naglalayong mapabuti ang serbisyo-publiko.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Bagong Backhoe, Dagdag-Kagamitan ng Ecological Solid Waste Management Unit
Bagong Backhoe, Dagdag-Kagamitan ng Ecological Solid Waste Management Unit
Bagong Backhoe, Dagdag-Kagamitan ng Ecological Solid Waste Management Unit
Shared on
Scroll to Top