14 October 2026

150 Benepisyaryo ng TUPAD, Tumanggap ng Transaction Code

150 Benepisyaryo ng TUPAD, Tumanggap ng Transaction Code
BINIGYAN NG TRANSACTION CODE ANG SANDAA’T LIMAMPUNG (150) BENEPISYARYO NG TUPAD noong Lunes, October 12, 2026, sa Atrium ng New Tayabas City Hall.

Ang nasabing transaction code ang magsisilbing batayan ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay Para Sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa pagkuha ng kanilang animnalibong pisong (₱6,000) sahod sa mga sangay ng Palawan Express, bilang kabayaran sa sampung araw na paglilinis ng kapaligiran sa ilalim ng programa. Nakatakda namang ipamahagi ang natitirang dalawampu’t isang (21) araw na sahod sa mga susunod na linggo.

Pinangunahan ng mga kinatawan ng DOLE ang pamamahagi ng mga transaction code sa mga benepisyaryo, katuwang ang Tayabas City Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni PESO Manager-Designate Malou Montoya.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
150 Benepisyaryo ng TUPAD, Tumanggap ng Transaction Code
150 Benepisyaryo ng TUPAD, Tumanggap ng Transaction Code
150 Benepisyaryo ng TUPAD, Tumanggap ng Transaction Code
Shared on
Scroll to Top