14 October 2026

Mahigit ₱227,000 na Indemnity Pay, Ipinamahagi sa mga Magsasaka

Mahigit ₱227,000 na Indemnity Pay, Ipinamahagi sa mga Magsasaka
TUMANGGAP NG INDEMNITY PAY ANG APATNAPU'T WALONG (48) MAGSASAKANG TAYABASIN mula sa Philippine Crop Insurance Corporation-Regional Office-4 sa isinagawang payout ngayong Miyerkules, October 14, 2026, sa Conference Room ng Office of the City Mayor.

Umabot ang ipinamahaging kabayaranan sa mga magsasakang napinsala ang mga pananim sa halagang mahigit two hundred twenty seven thousand three hundred sixty two pesos (P227,362.61).

Sa mensahe ni Mayor Piwa Lim, binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kahandaan sa banta ng Super El Niño sa bansa, lalo't higit sa mga magsasaka. Patuloy aniyang pinaiigting ng pamahalaang lokal ang mga programang magbibigay ng magandang ani sa mga magsasakang Tayabasin. Gayundin, nagpaalal si Mayor Piwa Lim sa lahat na panatilihing mag-ingat sa lumalaganap na sakit gaya ng mga ubo, sipon at lagnat, at agad na magpakonsulta sa doktor upang maagapan at hindi na lumala.

Pinamahalaan ni PCIC Representative Aljane Mharu Oabel ang pamamahagi ng Indemnity Checks katuwang ang City Agriculture’s Office sa pamumuno ni City Agriculturist Rommel Abuyan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mahigit ₱227,000 na Indemnity Pay, Ipinamahagi sa mga Magsasaka
Mahigit ₱227,000 na Indemnity Pay, Ipinamahagi sa mga Magsasaka
Mahigit ₱227,000 na Indemnity Pay, Ipinamahagi sa mga Magsasaka
Shared on
Scroll to Top