26 October 2026

TCMC, Nagkaloob ng Laptop para Suportahan ang Tayabas Peoples Council

TCMC, Nagkaloob ng Laptop para Suportahan ang Tayabas Peoples Council
TINGNAN || TAYABAS PEOPLES COUNCIL INCORPORATED, NAKATANGGAP NG LAPTOP COMPUTER MULA SA TAYABAS COMMUNITY MULTI-PURPOSE COOPERATIVE.

Malugod na ipinabatid ni Tayabas Peoples Council Incorporated (TPCI) President Errol Manalo na natanggap na ng samahan ang hinihiling na laptop computer mula sa Tayabas Community Multi-Purpose Cooperative (TCMC). Ang magandang balitang ito ay ibinahagi sa isinagawang monthly meeting ng konseho noong Oktubre 23, 2026, sa New Tayabas Multipurpose Cooperative Building.

Ibinahagi rin ni TPC Secretary Mary Lou Tabi ang mga naging karanasan at mahahalagang kaalamang natutuhan niya sa katatapos na Regional Institutional Development Support Program for Civil Society Organizations: Local People’s Council Forum na ginanap sa Tagaytay City noong Oktubre 6–7, 2026. Naging makabuluhan ang kanyang pagdalo dahil sa mga bagong ideya at programang maaari niyang maibahagi upang higit pang mapalakas at mapaunlad ang mga gawain ng Tayabas Peoples Council.

Tinalakay rin ng samahan ang pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Tayabas para sa paghiling ng institutional support na makatutulong sa pagsasakatuparan ng mga aktibidad at programang naglalayong palakasin ang organisasyon at ang paglilingkod nito sa komunidad.

Sa direktiba ni Mayor Anthony Piwa Lim, patuloy na nakikipag-ugnayan at nagbibigay ng technical assistance ang City Information and Community Relations Office, na siya ring itinalagang CSO Desk Officer, sa Tayabas Peoples Council Incorporated upang higit pang mapalakas ang partisipasyon ng mga Civil Society Organizations (CSOs) sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng Lokal na Pamahalaan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
TCMC, Nagkaloob ng Laptop para Suportahan ang Tayabas Peoples Council
TCMC, Nagkaloob ng Laptop para Suportahan ang Tayabas Peoples Council
TCMC, Nagkaloob ng Laptop para Suportahan ang Tayabas Peoples Council
Shared on
Scroll to Top