26 October 2026

Bahaghari Federation, Humingi ng Suporta para sa Annual Christmas Party at Grand Ball

Bahaghari Federation, Humingi ng Suporta para sa Annual Christmas Party at Grand Ball
NAKIPAGPULONG KAY MAYOR PIWA LIM ANG PAMUNUAN NG LGBTQIA BAHAGHARI FEDERATION OF TAYABAS, sa pamumuno ni Pangulong Dadudz C. Abadilla, ngayong Lunes, October 26, 2026, upang ipabatid ang kanilang nalalapit na Annual Christmas Party and Grand Ball sa Enero 16, 2027.

Sa isinagawang pagpupulong, inilahad ng samahan ang kanilang nalalapit na aktibidad at humingi ng suporta mula sa lokal na pamahalaan upang maisakatuparan nang maayos ang naturang pagdiriwang.

Nagpasalamat naman si Mayor Piwa Lim sa patuloy na pakikiisa at suporta ng LGBTQIA Bahaghari Federation of Tayabas sa kanyang administrasyon. Ipinahayag din ng alkalde ang kahandaang magpaabot ng tulong at suporta sa samahan upang maisakatuparan ang isang maayos at masayang pagtitipon.

Inaasahang magsisilbing pagkakataon ang naturang aktibidad upang higit pang mapagtibay ang samahan, pagkakaisa, at pakikipagkapwa ng mga miyembro ng LGBTQIA community sa lungsod.

#LungsodNaInyongMaipagmamalaki.

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Bahaghari Federation, Humingi ng Suporta para sa Annual Christmas Party at Grand Ball
Bahaghari Federation, Humingi ng Suporta para sa Annual Christmas Party at Grand Ball
Bahaghari Federation, Humingi ng Suporta para sa Annual Christmas Party at Grand Ball
Shared on
Scroll to Top