26 October 2026

Grand Alumni Homecoming 2027, Tinalakay ng LPIHS Alumni Association

Grand Alumni Homecoming 2027, Tinalakay ng LPIHS Alumni Association
NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR PIWA LIM ANG PAMUNUAN NG LUIS PALAD INTEGRATED HIGH SCHOOL ALUMNI ASSOCIATION (LPIHSAA), sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Konsehal Elsa Rubio, ngayong Lunes, Oktubre 26, 2026, upang ipabatid ang nalalapit na pagdaraos ng Grand Alumni Homecoming 2027.

Nakatakdang ganapin ang nasabing pagtitipon sa Mayo 8, 2027, sa Luis Palad Integrated High School, na naglalaayong muling pag-isahin ang mga dating mag-aaral ng paaralan at palakasin ang samahan ng mga alumni sa pamamagitan ng isang makabuluhang selebrasyon.

Sa isinagawang pagpupulong, ipinaalam ng asosasyon kay Mayor Lim ang mga plano para sa naturang aktibidad. Nagpaabot naman ng suporta ang alkalde sa isasagawang Grand Alumni Homecoming 2027.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Grand Alumni Homecoming 2027, Tinalakay ng LPIHS Alumni Association
Grand Alumni Homecoming 2027, Tinalakay ng LPIHS Alumni Association
Grand Alumni Homecoming 2027, Tinalakay ng LPIHS Alumni Association
Shared on
Scroll to Top