27 October 2026

745 TUPAD Beneficiaries, Tumanggap ng Transaction Code sa Tayabas

745 TUPAD Beneficiaries, Tumanggap ng Transaction Code sa Tayabas
KASALUKUYANG NAMIMIGAY NG TRANSACTION CODE SA PITUNDAAN APATNAPU’T LIMANG (745) TUPAD BENEFICIARIES ang mga kawani ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Atrium ng New Tayabas City Hall ngayong Martes, October 27, 2026.

Ang “transaction code” ang magsisilbing batayan ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa pagkuha ng kanilang animnalibong pisong (₱6,000) sweldo sa sampung araw na paglilinis ng kapaligiran sa ilalim ng programa.

Katuwang ng ahensya ang Palawan Pawnshop na nagtayo ng satellite payout para diretso nang makuha ng mga beneficiary ang pera.

Hinikayat ni DOLE TUPAD Coordinator Marlon S. Lincoran ang mga benepisyaryo na patuloy na makiisa at makibahagi sa mga programang pangkabuhayan ng pamahalaan na naglalayong makapagbigay ng karagdagang oportunidad at suporta sa kanilang kabuhayan.

Pinangunahan ni DOLE TUPAD Coordinator Marlon S. Lincoran ang pamamahagi ng mga transaction code sa mga benepisyaryo, katuwang ang Tayabas City Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni PESO Manager Malou Montoya.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
745 TUPAD Beneficiaries, Tumanggap ng Transaction Code sa Tayabas
745 TUPAD Beneficiaries, Tumanggap ng Transaction Code sa Tayabas
745 TUPAD Beneficiaries, Tumanggap ng Transaction Code sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top