29 October 2026

Kalsada mula Kanlurang Palale hanggang Ibabang Ilasan, Isasaayos at Palalawakin

Kalsada mula Kanlurang Palale hanggang Ibabang Ilasan, Isasaayos at Palalawakin
NAG-OCULAR INSPECTION SA KAHABAAN NG KALYE SIMULA KANLURANG PALALE HANGGANG IBABANG ILASAN sina Mayor Piwa Lim, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Luz Cuadra, City Engineer Christian Tamaño At Quezon Provincial Engineer Johnny Pasatiempo kaugnay ng planong pagsasaayos at pagpapalapad nito ngayong Huwebes, October 29, 2026.

Personal na tinungo ng mga opisyal ang kalsadang sakop ng Barangay Ilasan upang suriin ang lugar at ipaliwanag sa mga punong barangay ng Kanlurang Palale, Masin, Ibaba Ilasan, at Ilayang Ilasan ang mga kinakailangang hakbang at koordinasyon para maisakatuparan ang proyekto.

Magmumula ang pondong ilalaan para sa road reblocking and widening sa budget ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa inisyatiba ni Quezon Governor Angelina “Doktora Helen” Tan.

Layunin ng proyekto na mapabuti ang kondisyon ng kalsada at mapaluwag ang daloy ng trapiko para sa mga motorista at residente.

Samantala, maglalagay naman ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ng mahigit 75 solar streetlights sa kahabaan ng naturang kalsada upang magbigay liwanag sa lugar at makatulong sa kaligtasan ng mga dumaraan, lalo na sa gabi.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Mayor Piwa Lim sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon upang mapabilis ang mga kinakailangang proseso para sa pagpapatupad ng proyekto. Inaasahang makatutulong ang planong pagsasaayos at pagpapalapad ng kalsada, kasama ang paglalagay ng mga solar streetlight, sa pagkakaroon ng mas maayos, maliwanag, at ligtas na lansangan para sa mga Tayabasin.

#LungsodNaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Kalsada mula Kanlurang Palale hanggang Ibabang Ilasan, Isasaayos at Palalawakin
Kalsada mula Kanlurang Palale hanggang Ibabang Ilasan, Isasaayos at Palalawakin
Kalsada mula Kanlurang Palale hanggang Ibabang Ilasan, Isasaayos at Palalawakin
Shared on
Scroll to Top