19 December 2025

Meralco at Pamahalaang Lungsod, Tinalakay ang Pagkakabit ng Kuryente sa Bahay na Yari sa Light Materials

Meralco at Pamahalaang Lungsod, Tinalakay ang Pagkakabit ng Kuryente sa Bahay na Yari sa Light Materials
Nakipagpulong kay Mayor Piwa Lim ngayong Biyernes, December 19, 2025, ang mga kinatawan ng Meralco at mga Kapitan ng Barangay kabilang sina Lalo Barangay Chairperson Amiel J. Romana, Lakawan Chairperson Zenaida N. Lubiano, Potol Chairperson Ariel R. Aranilla, Ibabang Palale Chairperson Perdrito L. Caagbay at Lawigue Chairperson Juanito R. Obdianela tungkol sa kanilang inilalapit na hiling na mapalinyahan ng supply ng kuryente ang mga bahay ng kanilang constituents na yari sa light materials.
 
Kaharap din sa pulong ang kinatawan ng Office of the Building Official na si Engr. Gilbert Oabel. Nabanggit ng mga kinatawan ng Meralco na posibleng mapagbigyan ang kahilingan sa ilalim ng programa ng One Meralco Foundation. Dadaan anila sa pagsusuri at validation ang mga mag-aapply ng electric service na ang bahay ay yari sa light materials at ang lahat ng papasa ay maaaring kabitan ng linya ng kuryente.
 
Naniniwala naman si Mayor Piwa Lim na maisasakatuparan ang hiling ng mga Kapitan ng Barangay basta’t susunod sa mga patakaran at requirements na hinhingi ng Meralco at Office of the Building Official.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Meralco at Pamahalaang Lungsod, Tinalakay ang Pagkakabit ng Kuryente sa Bahay na Yari sa Light Materials
Meralco at Pamahalaang Lungsod, Tinalakay ang Pagkakabit ng Kuryente sa Bahay na Yari sa Light Materials
Meralco at Pamahalaang Lungsod, Tinalakay ang Pagkakabit ng Kuryente sa Bahay na Yari sa Light Materials
Shared on
Scroll to Top