19 December 2025

188 Very Elderly Tayabasin, Tumanggap ng Cash Gift mula sa NCSC

188 Very Elderly Tayabasin, Tumanggap ng Cash Gift mula sa NCSC
SANDAAN WALUMPU’T WALONG “VERY ELDERLY INDIVIDUALS” O SENIOR CITIZEN NA TAYABASIN, TUMANGGAP NG CASH GIFT BUHAT SA NATIONAL COMMISSION OF SENIOR CITIZENS.
 
Dumalo si Mayor Piwa Lim sa Cash Gift Distribution ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) para sa sandaan walumpu’t pitong (187) octogenarian at nonagenarian, at isang (1) centenarian na Tayabasin ngayong Biyernes, December 19, 2025, sa Senior Citizen Building, Lupa Compound.
 
Kasama ng alkalde sina Konsehal Riza Llaneta at Anna Obispo na nagpaabot ng kanilang mensahe ng pasasalamat at suporta sa mga benepisyaryo. Binigyang-diin naman ng alkalde ang patuloy na pangako ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas na itataguyod ang kapakanan at dignidad ng mga nakatatanda.
 
Ang mga octogenarian ay ang mga senior citizen na may edad otsenta (80) at otsenta y singko (85). Ang nonagenarian naman ay mga matatandang may edad na nuventa (90) at nuventa y singko (95). Sila ay tumanggap ng halagang sampung libong piso (P10,000) bawat isa. Samantalang ang nag-iisang centenarian na si Lola Trinidad Sumage Subijano ay “very elderly individual” na may edad sandaang taon (100 years old) at tumanggap ng sandaang libong piso (P100,000).
 
Ang mga nakatanggap ay senior citizen na nagdiwang ng kani-kanilang ika-80, 85, 90 at 95 taong kaarawan noong panahong sakop ng Marso hanggang Hunyo ng 2024. At iyong mga nagdiwang ng kaarawan sakop ng buwan ng Enero hanggang Agosto ng taong 2025.
 
Nangasiwa sa cash gift distribution si National Commission of Senior Citizens (NCSC) Administrative Officer Marybeth A. Cimafranca, katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pamumuno ni SWDO Irma Ilocario, na nagsilbing pangunahing ahensyang nag-facilitate ng pamamahagi kaagapay si OSCA President Guillermo Rabuel.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
188 Very Elderly Tayabasin, Tumanggap ng Cash Gift mula sa NCSC
188 Very Elderly Tayabasin, Tumanggap ng Cash Gift mula sa NCSC
188 Very Elderly Tayabasin, Tumanggap ng Cash Gift mula sa NCSC
Shared on
Scroll to Top