20 December 2025

Pamaskong Bigas ng LGU Tayabas, Patuloy na Ipinamamahagi sa mga Barangay

Pamaskong Bigas ng LGU Tayabas, Patuloy na Ipinamamahagi sa mga Barangay
PAMASKONG AYUDANG BIGAS || Masasayang nagtipon ang mga heads-of-households na residente ng Barangay Ayaas, Mateuna, Lakawan , Mate, Pandakaki, Opias Banilad, Pook, at Tamlong sa itinakdang lugar ng kanilang barangay upang tanggapin ang well-milled rice handog ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa ilalim ng programang Pamaskong Ayuda: Bigas para sa Tayabasin ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
 
Nanguna sa pamamahagi ng bigas si Mayor Piwa Lim at mga kasamang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ngayong umaga ng Sabado, December 20, 2025.
 
Masaya ang mga residente ng nasabing mga barangay sa programang ito ni Mayor Piwa Lim na nagbigay-ayudang bigas upang makabawas sa gastusin at masigurong may maisasaing ngayong Kapaskuhan. Higit namang masaya ang mga namumuno sa lungsod, partikular si Mayor Piwa Lim at mga Konsehal sa nakikita nilang mga ngiti sa labi ng mga nakatanggap ng bigas.
 
Magtutuloy-tuloy ang pamamahagi ng Pamaskong Bigas hanggang ang lahat ng humigit-kumulang 33,000 household ay mabigyan.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Pamaskong Bigas ng LGU Tayabas, Patuloy na Ipinamamahagi sa mga Barangay
Pamaskong Bigas ng LGU Tayabas, Patuloy na Ipinamamahagi sa mga Barangay
Pamaskong Bigas ng LGU Tayabas, Patuloy na Ipinamamahagi sa mga Barangay
Shared on
Scroll to Top