21 December 2025

431 Solo Parents, Tumanggap ng Monthly Cash Subsidy mula sa Pamahalaang Lungsod

431 Solo Parents, Tumanggap ng Monthly Cash Subsidy mula sa Pamahalaang Lungsod
SOLO PARENTS MONTHLY CASH SUBSIDY || Kasabay ng pagtanggap ng kanilang monthly cash subsidy ay taos-pusong pinasalamatan ni Mayor Piwa Lim ang mga solo parents sa kanilang patuloy na pagsusumikap at matapang na pagtataguyod ng kanilang mga anak.
 
Apatnaraan tatlumpu’t isang (431) kwalipikadong miyembro ng Solo Parents Association ang tumanggap ng kanilang P1,000 monthly cash subsidy mula sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ngayong Linggo, December 21, 2025.
 
Umabot sa P862,000 ang kabuuang halaga na ipinamahagi sa mga solo parents para sa buwan ng November at December 2025.
 
Nagpaabot din ng pagbati sina Konsehal Jerry Talaga, Luz Cuadra, Riza Llaneta at Carmelo Cabarrubias na kasama ng alkalde sa ginanap na payout.
 
Ang mga kawani ng City Treasurer's Office at City Social Welfare and Development Office ang namahala sa pamamahagi ng subsidy.
 
431 Solo Parents, Tumanggap ng Monthly Cash Subsidy mula sa Pamahalaang Lungsod
431 Solo Parents, Tumanggap ng Monthly Cash Subsidy mula sa Pamahalaang Lungsod
431 Solo Parents, Tumanggap ng Monthly Cash Subsidy mula sa Pamahalaang Lungsod
Shared on
Scroll to Top