24 December 2025

Mayor Piwa Lim, Namahagi ng Aginaldo sa Tayabas Private Schools Association

Mayor Piwa Lim, Namahagi ng Aginaldo sa Tayabas Private Schools Association
Binigyan ni Mayor Piwa Lim ng aginaldo ang mga kawani at guro ng labintatlong (13) member-schools ng Tayabas Private Schools Association (TayPriSA) ngayong Miyerkules, December 24, 2025, sa Atrium ng New Tayabas City Hall.
 
Nagtipon ang 174 teaching and 41 non-teaching personnel ng mga eskwelahan ngayong umaga upang tanggapin ang munting aginaldo buhat sa personal na pondo ni Mayor Piwa Lim.
 
Sa abot ng makakaya ng alkalde ay ginagawan niya ng paraan upang maramdaman ng lahat ng Tayabasin ang isang tunay na masaya at tunay na mapayapang Pasko.
 
Sinamahan si Mayor Piwa Lim ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga kawani ng CSWDO sa ginawang pamamahagi ng aginaldo sa mga kawani at guro.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Namahagi ng Aginaldo sa Tayabas Private Schools Association
Mayor Piwa Lim, Namahagi ng Aginaldo sa Tayabas Private Schools Association
Mayor Piwa Lim, Namahagi ng Aginaldo sa Tayabas Private Schools Association
Shared on
Scroll to Top