24 December 2025

Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pamaskong Ayudang Bigas sa Poblacion ngayong Bisperas ng Pasko

Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pamaskong Ayudang Bigas sa Poblacion ngayong Bisperas ng Pasko
Habang abala ang nakararami sa paghahanda ng Noche Buena, abala naman si Mayor Piwa Lim, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga kawani ng City Social Welfare and Development Office sa pamamahagi ng Ayudang Bigas sa mga residente ng mga barangay sa poblacion ngayong Bisperas ng Pasko, December 24, 2025, sa Silungang Bayan.
 
Kabilang sa mga nagtipon para tanggapin ang well-milled rice bilang pamasko sa ilalim ng programa ni Mayor Piwa Lim na ipinatutupad ng CSWDO na Ayudang Pamasko: Bigas para sa Tayabasin, ang mga residente ng Barangay Angeles Zone 1-4, San Roque Zone 1 & 2, Angustias Zone 1-4, at San Diego Zone 1-4.
 
Bago sumapit ang Pasko ay sinigurado ni Mayor Piwa Lim na maipamahagi ang mga bigas sa 33,000 households sa nasasakupan ng Lungsod ng Tayabas.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pamaskong Ayudang Bigas sa Poblacion ngayong Bisperas ng Pasko
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pamaskong Ayudang Bigas sa Poblacion ngayong Bisperas ng Pasko
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pamaskong Ayudang Bigas sa Poblacion ngayong Bisperas ng Pasko
Shared on
Scroll to Top