29 January 2026

CSWDO Tayabas, Tumanggap ng Donasyong Hygiene Kits mula sa Knights of Columbus

CSWDO Tayabas, Tumanggap ng Donasyong Hygiene Kits mula sa Knights of Columbus
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 || Nagtungo sa tanggapan ng Tayabas City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang Knights of Columbus–Tayabas ngayong araw, Enero 29, 2026, sa pangunguna ni G. Lyzander Quevada, Head of District L56, kasama sina G. Pepito Naynes at G. Porcie Baasis, upang magbigay ng mga Hygiene Kit para sa mga kliyente ng Juana Baldovino Alandy GAD Crisis Center.
‎Personal na tinanggap ni CSWD Officer Irma C. Ilocario ang mga nasabing Hygiene Kit na inaasahang makatutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryo. Lubos na nagpapasalamat ang tanggapan sa ipinamalas na inisyatiba at malasakit ng Knights of Columbus–Tayabas.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office & Tayabas City - CSWDO
CSWDO Tayabas, Tumanggap ng Donasyong Hygiene Kits mula sa Knights of Columbus
Shared on
Scroll to Top