30 January 2026

Humigit-kumulang 50 Kasambahay, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Araw ng Kasambahay sa Tayabas

Humigit-kumulang 50 Kasambahay, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Araw ng Kasambahay sa Tayabas
Humigit-kumulang limampung kasambahay ang nakiisa sa mga aktibidad kaugnay ng Araw ng Kasambahay 2026 ngayong Biyernes, January 30, 2026, sa Casa Communidad de Tayabas.
 
Nanguna sa mga gawain ang mga kinatawan buhat sa Department of Labor and Employment (DOLE), Social Security System (SSS), Pag-IBIG Fund (HDMF), PhilHealth (PHIC), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Dalubhasaang Lungsod ng Lucena-Lucena Manpower Skilled Training Center, ProfesSkills at Hairspray Salon.
 
Nagpahayon naman ng pagbati sa mga kasambahay at panauhin si Mayor Piwa Lim at tiniyak ang kanyang suporta sa kanilang kapakanan sa pamamagitan ng kanyang kinatawan.
 
Kabilang sa mga aktibidad ang pagtalakay sa mga programa, benepisyo at karapatan ng mga kasambahay ayun sa itinatakda ng Kasambahay Rights, at libreng haircut and massage services para sa mga kasambahay.
 
Naging katuwang ni PESO Manager-Designate Malou Montoya sa okasyon sina Rodelyn Gabas-Bautista, Rhodora Alday, Jose Talaga Salombro, Jr., Franz Raymond J. Aquino , Gaila G. Riano, Antonio Canzana.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Humigit-kumulang 50 Kasambahay, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Araw ng Kasambahay sa Tayabas
Humigit-kumulang 50 Kasambahay, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Araw ng Kasambahay sa Tayabas
Humigit-kumulang 50 Kasambahay, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Araw ng Kasambahay sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top