2 February 2026

Tayabas City, Pinarangalan ang Mga Nagwaging Barangay sa 2024 GAD Focal Point System Search

Tayabas City, Pinarangalan ang Mga Nagwaging Barangay sa 2024 GAD Focal Point System Search
Pinangunahan ni Mayor Piwa Lim at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang paggagawad ng awards sa mga barangay na lumahok at nagwagi sa katatapos na 2024 Search for the Most Outstanding Barangay GAD Focal Point System ngayong Lunes, February 2, 2026, sa Atrium ng New Tayabas City Hall.
 
Itinanghal na Most Outstanding Barangay GAD Focal Point System ang Barangay Lalo kung saan tinanggap ni Chairperson Amiel Romana ang P35,000 cash prize at plaque. First Place naman ang Barangay Angustias Zone-3 na may gantimpalang P20,000 cash at plaque na tinanggap ni Kapitan Eric Sabio. Samantalang P15,000 cash at plaque ang tinanggap ni Kapitan Arlan Razalan para sa San Isidro Zone-4 na tinanghal na 2nd Place sa nasabing search.
 
Bukod sa major awards, tumanggap din ng Special Awards na may gantimpalang P4,000 at plaque ang Barangay Angustias Zone-3 bilang Most Innovative Barangay GFPS, San Isidro Zone-4 bilang Most GAD-Efficient Barangay, Dapdap bilang Most GAD-Vigilant Barangay, Ipilan bilang Barangay with Highest GAD PPAs Implemented, San Roque Zone-1 bilang Most Empowering Barangay GFPS, at Lakawan bilang Most GAD-Inclusive Barangay.
 
Kabilang naman sa ginawaran ng Certificate of Recognition ang Barangay Baguio para sa Gender-Responsive Livelihood Excellence Award, Barangay San Diego Zone-1 para sa Most Committed to Gender Mainstreaming Impementation Award, Barangay Ibabang Nangka para sa Excellence in Gender-Responsive Initiatives Award, Barangay Camaysa para sa Promising Practice in Gender-Responsive Mechanisms Award, Barangay Ilayang Nangka para sa Rising Star in Gender Mainstreaming Award, Barangay San Roque Zone-1 para sa Model Barangay for Gender-Responsive and Inclusive Safety Award, at Barangay San Isidro Zone-4 para sa Outstanding Gender-Responsive Youth Development Award.
 
Binigyang-pagkilala din ang lahat ng barangay na lumahok sa nasabing search. Gayundin ang mga nagsibing validators.
Ang mga kawani ng City Gender and Development Office sa pamumuno ni GAD Focal Person Maide O. Jader ang pangkalahatang nangasiwa sa aktibidad na ito.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Tayabas City, Pinarangalan ang Mga Nagwaging Barangay sa 2024 GAD Focal Point System Search
Tayabas City, Pinarangalan ang Mga Nagwaging Barangay sa 2024 GAD Focal Point System Search
Tayabas City, Pinarangalan ang Mga Nagwaging Barangay sa 2024 GAD Focal Point System Search
Shared on
Scroll to Top