3 February 2026

Pagpapatayo ng Barangay Multi-Purpose Building sa Angeles Zone-II, Pinag-usapan sa Pulong sa Tayabas City

Pagpapatayo ng Barangay Multi-Purpose Building sa Angeles Zone-II, Pinag-usapan sa Pulong sa Tayabas City
Nakipagpulong si Kapitan Rodolfo A. Oabel at ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay Angeles Zone-II kay Mayor Piwa Lim ngayong Martes, February 3, 2026, upang talakayin ang pagbili ng lupang pagtatayuan ng kanilang Barangay Multi-Purpose Building.
 
Kasamang humarap ng alkalde sa pulong sina City Planning and Development Coordinator Gino Carlo Zaporteza, Budget Officer Esperanza Cabriga at Local Assessment Operation Officer Alan V. Mabuting kung saan naging maganda at makabuluhan ang naging resulta ng pagpupulong upang agad na maisakatuparan ang pagpapatayo ng naturang Barangay Multi-Purpose Bulding sa Angles Zone-II na sa gayun ay higit na maging maayos ang pagbibigay-serbisyo sa mga residente ng nasabing Barangay.
 
Nagpasalamat din si Mayor Piwa Lim sa bumubuo ng Sangguninag Barangay Angeles Zone-2 sa pagpupursigi nitong maisakatuparan ang hinihiling na proyekto na pangunahing adbokasiya ng administrasyon ni Mayor Piwa Lim.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Pagpapatayo ng Barangay Multi-Purpose Building sa Angeles Zone-II, Pinag-usapan sa Pulong sa Tayabas City
Pagpapatayo ng Barangay Multi-Purpose Building sa Angeles Zone-II, Pinag-usapan sa Pulong sa Tayabas City
Pagpapatayo ng Barangay Multi-Purpose Building sa Angeles Zone-II, Pinag-usapan sa Pulong sa Tayabas City
Shared on
Scroll to Top