13 February 2026

89 Work Immersion Students ng West Palale National High School, Sinimulan ang OJT sa LGU Tayabas

89 Work Immersion Students ng West Palale National High School, Sinimulan ang OJT sa LGU Tayabas
Lumagda si Mayor Piwa Lim bilang kinatawan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas at Assistant School Head Marvin Rosales bilang kinatawan ng West Palale National High School sa Memorandum of Agreement/Memorandum of Understanding na naglalaman ng mga probisyon kaugnay ng 10-Days Work Immersion Program ng kanilang mag-aaral.
 
Sumailalim naman sa orientation ang walumpu't siyam (89) na work immersion students mula sa West Palale National High School sa kanilang unang araw sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas noong Huwebes, February 12, 2026.
 
Personal na nakaharap ni Mayor Piwa Lim ang mga work immersion students at sa kanyang mensahe ay sinabi niya na, “Pagbutihin ang pagkakataon na ito para matuto at makakuha ng panibagong kaalaman. Nawa ay maging makabuluhan ang sampung araw na pamamalagi ninyo sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas.”
 
Ang tanggapan ng Human Resource Management Office sa pamumuno ni HRMO Maryjane Calupig ang namahala sa isinagawang orientation para sa bagong batch ng work immersion students sa Training Room ng New Tayabas City Hall.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
89 Work Immersion Students ng West Palale National High School, Sinimulan ang OJT sa LGU Tayabas
89 Work Immersion Students ng West Palale National High School, Sinimulan ang OJT sa LGU Tayabas
89 Work Immersion Students ng West Palale National High School, Sinimulan ang OJT sa LGU Tayabas
Shared on
Scroll to Top