26 February 2026

₱861K Monthly Cash Subsidy, Ipinamahagi sa 440 Solo Parents sa Tayabas

₱861K Monthly Cash Subsidy, Ipinamahagi sa 440 Solo Parents sa Tayabas
TUMANGGAP NG MONTHLY CASH SUBSIDY ang mga kwalipikadong solo parents ngayong Huwebes, February 26, 2026.
 
Ang Subsidy to Solo Parents ay programa ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa ilalim ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na pinagpupursigihang ipagpatuloy ni Mayor Piwa Lim bilang pagbibigay-halaga sa kapakanan ng mga solo parents, at pagkilala sa kanilang sakripisyo at mahalagang papel sa paghubog ng kanilang mga anak at ng komunidad.
 
Umabot sa halagang P861,000 ang ipinamigay na subsidiya sa apatnadaan apatnapung (440) solo parents na tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at suporta sa pamilya.
 
Pinamahalaan naman ng mga kawani ng Tayabas City Treasurer’s Office ang nasabing payout.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
₱861K Monthly Cash Subsidy, Ipinamahagi sa 440 Solo Parents sa Tayabas
₱861K Monthly Cash Subsidy, Ipinamahagi sa 440 Solo Parents sa Tayabas
₱861K Monthly Cash Subsidy, Ipinamahagi sa 440 Solo Parents sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top