27 February 2026

LGU Employees at CCT Personnel, Nagtagisan sa Friendly Volleyball Game sa Sportsfest 2026

LGU Employees at CCT Personnel, Nagtagisan sa Friendly Volleyball Game sa Sportsfest 2026
“Ace, Ace, Baby!" Maigting ang naging labanan sa pagitan ng LGU Employees at CCT Personnel sa isang Friendly Exhibition Volleyball Game ngayong Biyernes, February 27, 2026, huling araw ng Colegio de la Ciudad de Tayabas Sportsfest 2026.
 
Nagpakitang gilas ang bawat netters habang masiglang nanonood ng laro sina Mayor Piwa Lim at ang kanyang maybahay na si Mrs. Minda Lim, kasama si Konsehal Riza LLaneta sa Barangay San Isidro (Talipapa) Covered Court.
 
Namigay din ng bola si Mayor Piwa Lim sa mga mag-aaral ng CCT na magagamit nila sa paglalaro.
 
Layunin ng “friendly game” na higit na palakasin ang pagkakaibigan, pagtutulungan, samahan at pagkakaisa ng mga lokal na ahensya at tanggapan. Nagpasalamat naman ang pamunuan ng kolehiyo sa pamumuno ni OIC-College Administrator Dr. Florenitte C. De Guzman sa pakikiisa ng mga kawani ng LGU at sa pagbisita ng alkalde na simbolo ng patuloy na suporta ng administrasyon sa mga programa ng paaralan.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
LGU Employees at CCT Personnel, Nagtagisan sa Friendly Volleyball Game sa Sportsfest 2026
LGU Employees at CCT Personnel, Nagtagisan sa Friendly Volleyball Game sa Sportsfest 2026
LGU Employees at CCT Personnel, Nagtagisan sa Friendly Volleyball Game sa Sportsfest 2026
Shared on
Scroll to Top