27 February 2026

Delegasyon mula sa Bongabong, Oriental Mindoro, Nag-Benchmarking sa Lungsod ng Tayabas

Delegasyon mula sa Bongabong, Oriental Mindoro, Nag-Benchmarking sa Lungsod ng Tayabas
Pinangunahan ni Vice Mayor Jayson Barcelona ang delegasyon mula sa Bongabong, Oriental Mindoro na nagsagawa ng benchmarking activity sa Lungsod ng Tayabas ngayong Biyernes, February 27, 2026.
 
Nag-courtesy call sa tanggapan ni Mayor Piwa Lim ang bise-alkalde kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga department heads ng lokal na pamahalaan.
 
Layunin na pagbisita na makapulot ng karagdagang kaalaman at matunghayan ang best practices ng lungsod. Gayundin, ang mga epektibong programa at inisyatibo ng LGU Tayabas na maaaring maisakatuparan at maiangkop sa kanilang sariling komunidad.
 
Mainit ang naging pagtanggap ni Mayor Piwa Lim sa mga panauhin na kasamang hinarap nina Konsehal Phaula Nadres, Konsehal Riza Llaneta at Konsehal Gerry Caagbay na nagbahagi ng mga impormasyon kaugnay ng mga pangunahing programa, polisiya, at best practices ng lungsod sa larangan ng pamamahala, serbisyong panlipunan, at pagpapaunlad ng komunidad.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Delegasyon mula sa Bongabong, Oriental Mindoro, Nag-Benchmarking sa Lungsod ng Tayabas
Delegasyon mula sa Bongabong, Oriental Mindoro, Nag-Benchmarking sa Lungsod ng Tayabas
Delegasyon mula sa Bongabong, Oriental Mindoro, Nag-Benchmarking sa Lungsod ng Tayabas
Shared on
Scroll to Top