1 March 2026

ABAKA, Nagdaos ng Makulay na General Assembly at Grand Ball 2026 sa Tayabas

ABAKA, Nagdaos ng Makulay na General Assembly at Grand Ball 2026 sa Tayabas
Nagdiwang ng General Assembly at Grand Ball 2026 ang Association of Barangay Kagawad (ABAKA) noong Sabado, Pebrero 28, 2026, sa Covered Court ng Tayabas East Central School.
 
Makahulugan ang mensaheng ibinahagi ni Mayor Piwa Lim sa bumubuo ng ABAKA. Aniya, “Nais kong bigyan ng pagpupugay ang pamunuan ng ABAKA sa matagumpay na pag-oorganisa ng pangkalahatang asembleya. Kaisa ninyo ang Pamahalaang Lungsod sa pagbibigay-halaga sa inyong samahan, sapagkat kayo ay mahalagang katuwang sa pagpapaunlad ng Lungsod ng Tayabas. Lubos ang aking pasasalamat dahil ang ABAKA ang isa sa pinakamalaking samahan sa lungsod at nagsisilbing matibay at maaasahang tulay sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan at ng ating mga mamamayan.”
 
Isa rin si City Administrator Voltaire Dela Cruz sa mga espesyal na panauhin. Gayundin sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Gerry Caagbay, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Luz Cuadra, Binibining Grace Lacorte bilang kinatawan ni Vice Mayor Rosauro Dalida, at PKB President Conrado Aragon.
 
Pinangunahan ni ABAKA President Vilma Ranillo ang matagumpay na aktibidad na layuning higit pang patatagin ang pagkakaisa, pagkilala, at kasiyahan ng mga kasaping barangay kagawad, at kilalanin ang kanilang mahalagang papel sa pamahalaang lokal.
 
Higit ding naging makulay ang pagtitipon dahil sa maririkit at namumulang mga kasuotan ng mga dumalong kasapi ng samahan.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
ABAKA, Nagdaos ng Makulay na General Assembly at Grand Ball 2026 sa Tayabas
ABAKA, Nagdaos ng Makulay na General Assembly at Grand Ball 2026 sa Tayabas
ABAKA, Nagdaos ng Makulay na General Assembly at Grand Ball 2026 sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top