HANDOG PASASALAMAT NI MAYORA MINDA LIM || Napuno ng saya at tawanan ang buong Silungang Bayan ng Tayabas na nag-mistulang isang malaking indoor playground dahil sa makulay at masayang selebrasyon para sa mga batang Tayabasin
noong Sabado, Pebrero 28, 2026.
Sa araw ng kanyang kapanganakan, pinili ni Mayora Minda Lim, maybahay ni Mayor Piwa Lim, na ipagdiwang ito kasama ang mga bata mula sa iba’t ibang Child Development Centers, Daycare, at pribadong paaralan sa Lungsod ng Tayabas.
Umabot sa sanlibo animnadaang (1,600) batang Tayabasin ang nabigyan ng libreng pagkain at mga regalong laruan. At lalong naging mas masigla ang programa sa pamamagitan ng mga parlor games na may kaakibat na premyo, na tunay na nagbigay ng ngiti at tuwa sa bawat bata.
Magkakatuwang na pinamahalaan ang napakasayang okasyon ng Jollibee Calumpang, City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pangunguna ni Mam Irma Ilocario, Human Resource Management Office (HRMO) sa pamumuno ni Mary Jane Calupig, City Information and Community Relations Office sa pangunguna ni Wilfredo Tomines, Tayabas DRRMO sa pangunguna ni Mam Rosario Bandelaria, General Services Office sa pangunguna ni Mam Cecile Potestades, at mga kawani ng Office of the City Mayor. Kabilang din sa mga nakisaya ang mga piling panauhin at malalapit na kaibigan.
Hindi nawala sa mahalagang pagidriwang at buong pusong sumuporta sa adbokasiya ni Mayora Minda si Mayor Piwa Lim. Gayundin sina Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Phaula Nadres, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Gerry Caagbay, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Luz Cuadra, at PKB President Conrado Aragon.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayora Minda Lim sa lahat ng tumulong, nakiisa, at nag-organisa ng simple ngunit makabuluhang selebrasyon ng kanyang kaarawan—isang pagdiriwang na hindi lamang para sa kanya, kundi para sa mga batang Tayabasin na tunay na nagbibigay inspirasyon sa komunidad.