2 March 2026

Mayor Piwa Lim, Lumagda ng MOA sa Enverga University para sa OJT ng BSIT Students

Mayor Piwa Lim, Lumagda ng MOA sa Enverga University para sa OJT ng BSIT Students
Lumagda si Mayor Piwa Lim sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas at Enverga University na nagtatakda ng mga panuntunan sa On-the-Job Training program ng mga mag-aaral sa kursong Bachelor of Science in information Technology ngayong Lunes, March 2, 2026.
 
Kasabay nito ay personal na humarap sa alkalde ang ang apat na mag-aaral ng Enverga University-Lucena City Campus na sasailalim sa OJT simula March 2, 2026 hanggang June 2, 2026.
 
Magalak na tinanggap ni Mayor Piwa Lim ang mga mag-aaral at pinaalalahanan na “mahalagang pagbutihin ang performance habang nasa pagsasanay upang makakuha ng mga bagong kaalaman na magagamit sa mas higit na paghubog ng kakayanan.”
Kasamang humarap ng alkade sa mga mag-aaral si Human Resource Management Officer Mary Jane Calupig.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Lumagda ng MOA sa Enverga University para sa OJT ng BSIT Students
Mayor Piwa Lim, Lumagda ng MOA sa Enverga University para sa OJT ng BSIT Students
Mayor Piwa Lim, Lumagda ng MOA sa Enverga University para sa OJT ng BSIT Students
Shared on
Scroll to Top