MULING NAG-CHAMPION ANG BDRRM-MALAO-A sa katatapos na 22nd Inter-Barangay Urban Fire Olympics noong Miyerkules, March 4, 2026. 1st Place ang BDRRM-Ibabang Bukal, 2nd Place ang BDRRM-Camaysa, 3rd Place ang BDRRM-Ibabang Nangka at BDRRM-Anos, 4th Place ang BDRRM-San Isidro Zone-II, at 5th Place ang BDRRM-Ipilan.
Sa mensahe ni Mayor Piwa Lim, ibinahagi niya ang kanyang karanasan bilang isang fire volunteer at ang pagsisilbi bilang Fire Chief ng Filipino-Chinese Volunteer Fire Brigade. Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng patuloy na pagsasanay at paghahanda upang matiyak ang kaligtasan ng bawat komunidad.
Lalo pang naging masaya ang mga nanalong mahuhusay na BDRRM Teams nang dagdagan ni Mayor Piwa Lim ang gantimpalang matatanggap na umabot sa halagang ₱15,000 para sa Champion, ₱8,000 para sa 1st Runner-Up, at ₱5,000 para sa 2nd Runner-Up.
Lahat ng mga nagwagi, maging ang mga hindi nakasama sa Top 5 na Barangay Disaster Risk Reduction ang Management Teams ay nagpakita ng kanilang determinasyon, lakas at diskarte sa iba’t ibang kategorya tulad ng Bucket Relay, Busted Connection, at Fire Extinguisher Challenge kung saan ipinamalas ng bawat koponan ang kanilang kahandaan, koordinasyon, at sapat na kaalaman sa tamang pagtugon sa mga insidente ng sunog
Namukod-tangi ang ipinamalas na husay ng Barangay Malaoa DRRM Team sa bilis, galing at diskarte sa pagresponde sa sunog.
Ang 22nd Inter-Barangay Urban Fire Olympics ay bahagi ng observance ng Fire Prevention Month 2026 na pinamahalaan ng Bureau of Fire Protection-Tayabas City Fire Station sa pamumuno ni Acting City Fire Marshall FSINSP Morris Callejo. Layunin ng programa na palakasin ang kamalayan at kahandaan ng bawat komunidad laban sa panganib ng sunog.
Dumalo rin sa programa sina Konsehal Gerry Caagbay, Konsehal Ana Obispo, Konsehal Riza Llaneta, PKB President Conrado Aragon, at CDRRMO Che Bandelaria, na kapwa nagpahayag ng suporta sa mga inisyatibang nagpapalakas ng kahandaan sa sakuna.
Naging mas makulay pa ang programa sa isinagawang pagandahan ng muse at talent na nagbigay ng dagdag na saya at aliw sa mga manonood at kalahok.