5 March 2026

Koordinasyon ng LGU at mga Barangay, Pinagtibay sa Pulong ng Liga ng mga Barangay

Koordinasyon ng LGU at mga Barangay, Pinagtibay sa Pulong ng Liga ng mga Barangay
Naging panauhin sa buwanang pulong ng Liga ng mga Barangay si Mayor Piwa Lim kung saan binigyang diin ng alkalde ang kahalagahan ng pagkakaisa, maayos na koordinasyon, at aktibong partisipasyon ng bawat barangay sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan.
 
Pinangunahan ni PKB President Conrado Aragon ang pulong na tumalakay sa mahahalagang usapin at programa sa mga nasasakupang Barangay ngayong Huwebes, March 5, 2026 sa Training Room-2 ng New Tayabas City Hall.
 
Isang paraan ang regular na pagpupulong ng Liga ng mga Barangay para patuloy na mapatibay ang ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas at ng mga barangay tungo sa mas maunlad, maayos, at nagkakaisang komunidad.
 
Dumalo rin sa pulong sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Gerry Caagbay, Konsehal Dino Romero, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Rizza Llaneta, at Konsehal Ana Obispo na nagpahayag ng kanilang patuloy na suporta sa mga inisyatiba ng Liga at sa mga adhikain ng bawat barangay.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Koordinasyon ng LGU at mga Barangay, Pinagtibay sa Pulong ng Liga ng mga Barangay
Koordinasyon ng LGU at mga Barangay, Pinagtibay sa Pulong ng Liga ng mga Barangay
Koordinasyon ng LGU at mga Barangay, Pinagtibay sa Pulong ng Liga ng mga Barangay
Shared on
Scroll to Top