5 March 2026

Rabies Awareness Month 2026 Sinimulan sa Tayabas; Responsableng Pet Ownership Binigyang-diin

Rabies Awareness Month 2026 Sinimulan sa Tayabas; Responsableng Pet Ownership Binigyang-diin
“RABIES-FREE NA PUSA’T ASO SA LUNGSOD NG TAYABAS, KALIGTASAN NG PAMILYANG PILIPINO” ang tema ngayong taon ng selebrasyon ng Rabies Awareness Month 2026 na binuksan sa pamamagitan ng motorcade sa mga pangunahing lansangan sa Lungsod ng Tayabas ngayong Huwebes, March 5, 2026.
 
Binigyang-diin ni Mayor Piwa Lim sa kanyang Message of Encouragement ang kahalagahan ng responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop at ng patuloy na pakikiisa ng komunidad sa kampanya laban sa rabies.
 
Punong-abala sa selebrasyon ang mga kawani ng City Veterinary Office sa pamumuno ni Dr. Isagani Requizo, kung saan kabilang sa mga aktibidad ang libreng anti-rabies vaccination para sa mga alagang aso at pusa, at pagbibigay ng parangal sa mga indibidwal at organisasyong naging aktibong kaagapay ng City Veterinary Office sa pagpapatupad ng iba’t ibang proyekto at programa nito.
 
Kabilang sa sumama sa motorcade ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang barangay at organisasyon. Nakiisa naman sa palatuntunan sa Atrium ng New Tayabas City Hall sina Konsehal Ana Obispo, Konsehal Riza Llaneta, Mr. Jomell Mojica ng Department of Health CHD–IV-A, Dr. Alfred Malaluan ng DA-RDDL IV-A, CLGOO Fe Roales na kinatawan ni Ms. Analiza Ordonio; CDRRMO Rosario Bandelaria, QVMA Vice President Dr. Anthony Villar, Provincial Veterinarian Dr. Flomella Caguicla, at Captain Faye Paderes mula sa SOLCOM Lucena City.
 
Mahahalagang impormasyon at dagdag-kaalaman din ang ibinahagi sa mga talakayang isinagawa na layuning higit pang maipahayag sa mamamayan ng Tayabas ang kahalagahan ng pagpapanatiling rabies-free ng mga alagang aso at pusa upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat pamilyang Pilipino. Gayundin ang mahahalagang impormasyon at hakbang na dapat gawin upang maiwasan at malabanan ang sakit na dulot ng rabies na ipinaliwanag nina Dr. Camille Calaycay at G. Marc Jan Angelo Barcelona.
 
Naging tagapagpadaloy naman ng programa si City Veterinary Doctor Maira Suhmtihrah Valbuena.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Rabies Awareness Month 2026 Sinimulan sa Tayabas; Responsableng Pet Ownership Binigyang-diin
Rabies Awareness Month 2026 Sinimulan sa Tayabas; Responsableng Pet Ownership Binigyang-diin
Rabies Awareness Month 2026 Sinimulan sa Tayabas; Responsableng Pet Ownership Binigyang-diin
Shared on
Scroll to Top