5 March 2026

Mayor Piwa Lim, Nakibahagi sa Buwanang Pulong ng Association of Barangay Kagawad (ABAKA)

Mayor Piwa Lim, Nakibahagi sa Buwanang Pulong ng Association of Barangay Kagawad (ABAKA)
Naglaan ng oras si Mayor Piwa Lim, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Gerry Caagbay, Konsehal Dino Romero, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Riza Llaneta, at Konsehal Ana Obispo para magbahagi ng kani-kaniyang mensahe ng suporta sa mga Kagawad ng Barangay na dumalo sa buwanang pulong ng Association of Barangay Kagawad (ABAKA) ngayong Huwebes, March 5, 2026, sa Training Room 1 ng New Tayabas City Hall.
 
Pinamunuan ni ABAKA President Vilma Ranillo at Vice President Mylene Patricio ang pulong na layuning maibahagi ang mga programa, proyekto, at ordinansa na ipinatutupad sa kani-kanilang barangay upang matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad ng mga ito. Nagsisilbi ring pagkakataon ang pulong upang matukoy ang mga suliranin sa barangay at makabuo ng angkop na solusyon sa pamamagitan ng sama-samang pagpapasya.
 
Ang regular na pagkakatipon ng mga kasapi ng ABAKA ay nagpapatibay sa koordinasyon, pagkakaisa, at pakikipagtulungan ng mga kagawad para sa mas maayos na pamamahala at mas mabilis na paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Nakibahagi sa Buwanang Pulong ng Association of Barangay Kagawad (ABAKA)
Mayor Piwa Lim, Nakibahagi sa Buwanang Pulong ng Association of Barangay Kagawad (ABAKA)
Mayor Piwa Lim, Nakibahagi sa Buwanang Pulong ng Association of Barangay Kagawad (ABAKA)
Shared on
Scroll to Top