6 March 2026

Mayor Piwa Lim Nakipagpulong sa mga Mamumuhunan para sa Mga Planong Proyekto sa Tayabas

Mayor Piwa Lim Nakipagpulong sa mga Mamumuhunan para sa Mga Planong Proyekto sa Tayabas
Naging panauhin ni Mayor Piwa Lim sa kanyang tanggapan sina Atty. Amy Wong, Atty. Bayani Loster Wong, Mr. Marvin Ferrer at 1st District Representative Chief of Staff Zaldy Gariguez noong Huwebes, March 5, 2026, kung saan nagkaroon ng paunang pag-uusap tungkol sa kanilang planong mamuhunan sa Lungsod ng Tayabas.
 
Isa-isang pinag-usapan ang pinaplanong mga proyekto na magbigay ng mas maraming oportunidad sa negosyo, dagdag na trabaho para sa mga Tayabasin, at higit pang pagpapaunlad sa lokal na ekonomiya.
 
Siniguro ni Mayor Piwa Lim ang kanyang suporta sa mga inihaing proyekto na makapagbibigay ng pangmatagalang benepisyo sa lungsod.
 
Kasamang humarap sa pagpupulong sina Konsehal Gerry Caagbay at City Administrator Atty. Voltair Dela Cruz.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim Nakipagpulong sa mga Mamumuhunan para sa Mga Planong Proyekto sa Tayabas
Mayor Piwa Lim Nakipagpulong sa mga Mamumuhunan para sa Mga Planong Proyekto sa Tayabas
Mayor Piwa Lim Nakipagpulong sa mga Mamumuhunan para sa Mga Planong Proyekto sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top