6 March 2026

10 Kolorum na Tricycle Na-impound sa Operation Kontra Kolorum sa Tayabas

10 Kolorum na Tricycle Na-impound sa Operation Kontra Kolorum sa Tayabas
OPERATION KONTRA KOLORUM || Muling naglatag ng operasyon kontra-kolorum ang mga tauhan ng OCM–Traffic Operations Section sa pangunguna ni Executive Assistant Francis Pasno sa nasasakupan ng Barangay Ipilan at Barangay Angeles Zone-1 ngayong Biyernes, March 6, 2025.
 
Patuloy ang maigting na kampanya ng pamahalaang lokal laban sa mga colorum na sasakyan at iba pang paglabag sa batas trapiko na nagresulta sa aprehensyon at issuance ng citation tickets sa mga lumalabag sa Republic Act 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009, partikular ang hindi pagsusuot ng tamang helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo. Gayundin, ang paghuli sa ilang tricycle drivers na namamasada nang walang kaukulang prangkisa o kolorum, na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng umiiral na mga regulasyon ng lokal na pamahalaan.
 
Labin-tatlong (13) Motorista ang na-isyuhan ng citation ticket bunsod ng iba't ibang traffic violations, at 10 naman ang na-impound na tricycle.
 
Ang mga nahuling sasakyan ay naka-impound sa New Tayabas City Hall habang pinoproseso ang kaukulang hakbang kaugnay ng kanilang mga paglabag.
 
Ayon sa OCM–Traffic Operations Section, layunin ng operasyon na mapanatili ang kaayusan sa lansangan, masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at pasahero, at matiyak na ang mga pampublikong sasakyan ay sumusunod sa mga itinakdang batas at regulasyon ng lungsod.
 
Muling pinaaalalahanan ng tanggapan ang mga tricycle drivers at operators na kumuha ng kaukulang prangkisa kung sila ay namamasada, sapagkat mas malaki ang multa at abalang dulot ng paglabag kumpara sa pagsunod sa mga itinakdang proseso ng pamahalaan.
 
Dagdag pa rito, magsasagawa rin ng pagmomonitor at koordinasyon sa mga samahan ng TODA (Tricycle Operators and Drivers Association) upang matiyak na ang kanilang mga miyembro ay tumatalima sa mga umiiral na alituntunin ng batas.
Patuloy ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa lahat ng motorista na sumunod sa batas trapiko para sa mas ligtas at maayos na daloy ng transportasyon sa Lungsod ng Tayabas.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
10 Kolorum na Tricycle Na-impound sa Operation Kontra Kolorum sa Tayabas
10 Kolorum na Tricycle Na-impound sa Operation Kontra Kolorum sa Tayabas
10 Kolorum na Tricycle Na-impound sa Operation Kontra Kolorum sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top