TAAS-NOONG PUMARADA ANG DELEGASYON NG SCHOOLS DIVISION OFFICE OF THE CITY OF TAYABAS na binubuo na humigit-kumulang dalwandaan dalwampu’t dalawang (222) atleta, bukod pa sa mga pinuno at tagapamahala ng mga paaralan sa Grand Opening Parade ng 2026 Regional Athletic Association Meet (RAAM) for CALABARZON ngayong Sabado, March 7, 2026.
Kasamang pumarada ng delegasyon ng Tayabas sina Mayor Piwa Lim at ang kanyang maybahay na si Mrs. Minda Lim, Konsehal Dino Romero, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Ana Obispo, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Paula Nadres, Konsehal Gerry Caagbay, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Luz Cuadra, SKF President Miguel Obdianela, PKB President Conrado Aragon, at City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz.
Nagsimula ang opening parade sa Provincial Capitol at nagtapos sa Batangas City Track Oval kung saan din isinagawa ang opening program.
Bago ang parada ay nagtungo muna ang grupo ni Mayor Piwa Lim sa Calicanto Elementary School sa Batangas City kung saan tumutuloy ang delegasyon ng Lungsod ng Tayabas upang personal na makasalamuha at ma-iabot ang allowances ng mga atleta.
Higit pa sa natanggap na ₱2,000 allowance ng bawat manlalaro, malaki ang moral support na hatid ng pagdalaw ni Mayor Piwa Lim at ng mga opisyal ng lungsod na higit na nagbigay ng motibasyon sa mga kabataang atleta para ipagpunyagi ang bandila ng Tayabas habang nakikipagtagisan sa athltetic meet.
Muling nagbigay ng inspirational message si Mayor Piwa Lim sa mga kabataang manlalaro na “ibigay ang buong husay, disiplina, at determinasyon upang makapag-uwi ng karangalan at maipagmalaki ang Lungsod ng Tayabas sa regional athletic meet.”
Tatagal ang RAAM hanggang March 14, 2026 kung saan isasagawa ang labanan sa iba’t ibang larangan ng sports na sasalihan ng mga kinatawan buhat sa humigit-kumulang dalwampung (20) schools division offices sa buong Calabarzon.