10 March 2026

LGU Tayabas at Iba’t Ibang Sektor, Nagkaisa sa Purple Walk Para sa Women’s Month

LGU Tayabas at Iba’t Ibang Sektor, Nagkaisa sa Purple Walk Para sa Women’s Month
PURPLE WALK | Nagsagawa ng sama-samang "purple walk" ang mga kawani ng pamahalaan at mga kinatawan ng iba't ibang sektor sa Lungsod ng Tayabas upang pagdiwang ang 2026 National Women’s Month noong Linggo, March 8, 2026.
 
Nanguna si Mayor Piwa Lim kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Konsehal Jerry Talaga, Jerry Caagbay, Luz Cuadra, Rizza Llaneta, Ana Obispo, at Elsa Rubio, gayundin si SK President Miguel Obdianela at PKB President Conrado Aragon sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na sumama sa paglalakad.
 
Pagpapakita ng suporta sa adbokasiya sa pagpapalakas ng karapatan at kapakanan ng kababaihan ang pangunahing layunin ng aktibidad. Gagundin, upang ipakita ang pagkakaisa ng komunidad sa pagsusulong ng gender equality at pagbibigay-halaga sa mahalagang papel ng kababaihan sa komunidad.
 
Pinangunahan ng City Gender and Development (GAD) Office sa pamumuno ni GAD Focal Person Maide O. Jader ang koordinasyon at pagsasagawa ng naturang aktibidad.

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
LGU Tayabas at Iba’t Ibang Sektor, Nagkaisa sa Purple Walk Para sa Women’s Month
LGU Tayabas at Iba’t Ibang Sektor, Nagkaisa sa Purple Walk Para sa Women’s Month
LGU Tayabas at Iba’t Ibang Sektor, Nagkaisa sa Purple Walk Para sa Women’s Month
Shared on
Scroll to Top