12 March 2026

25,000 Semilya ng Ulang Ipinamahagi sa 30 Fish Pond Farmers sa Tayabas

25,000 Semilya ng Ulang Ipinamahagi sa 30 Fish Pond Farmers sa Tayabas
Ipinamahagi ni Mayor Piwa Lim sa tatlumpung (30) fish pond farmers ang dalawampu’t limang libong (25,000) semilya ng ulang o giant freshwater prawn na pinondohan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng Office of the City Agriculturist sa pamumuno ni Rommel Abuyan ngayong Huwebes, March 12, 2026.
 
Muling nangako ng patuloy na suporta si Mayor Piwa Lim sa hanay ng mga magsasaka na higit na pagagandahin ang mga programang pang-agrikultura sa Lungsod ng Tayabas. Aniya, “nawa ay maparami at mapalaki ninyo ang mga semilya ng ulang upang mapakinabangan at inyong mapagkakitaan.”
 
Ang ipinamahaging mga semilya ng ulang ay nagmula sa Dagupan, Pangasinan sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)–Dagupan.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
25,000 Semilya ng Ulang Ipinamahagi sa 30 Fish Pond Farmers sa Tayabas
25,000 Semilya ng Ulang Ipinamahagi sa 30 Fish Pond Farmers sa Tayabas
25,000 Semilya ng Ulang Ipinamahagi sa 30 Fish Pond Farmers sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top