26 March 2026

Bagong Pasilidad Pangkalusugan sa Tayabas, Ininspeksyon ng Pamahalaang Panlalawigan

Bagong Pasilidad Pangkalusugan sa Tayabas, Ininspeksyon ng Pamahalaang Panlalawigan
Personal na nasilayan ni Governor Doktora Helen Tan ang ginagawang 24/7 Outpatient Department (OPD) ng City Health Office sa Barangay Mateuna, Tayabas City, noong Miyerkules, March 25, 2026.
 
Magkakasamang nagtungo doon sina Mayor Piwa Lim, City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz, Konsehal Jerry Talaga, City Engineer Christian Tamaño, City Architect Eladio Manzano, SK President Miguel Obdinela at San Roque Zone-1 Barangay Chair Randall Obdianela. Kanilang personal na ininspeksyon ang gusali at nasaksihan ang malapit nang matapos na konstruksyon nito.
 
Pinuri ng “Ina ng Lalawigan”, Governor Helen Tan, ang inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Lim sa pagpapatayo ng pasilidad. Nagbigay rin siya ng ilang mungkahi upang lalo pang mapahusay ang disenyo at serbisyong maibibigay ng OPD sa mga mamamayan.
 
Inaasahang magbubukas ang 24/7 OPD sa mga susunod na araw upang makapaghatid ng mas maayos at de-kalidad na serbisyong medikal—isang pangunahing pangangailangan ng mga residente ng Lungsod ng Tayabas.
 

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Bagong Pasilidad Pangkalusugan sa Tayabas, Ininspeksyon ng Pamahalaang Panlalawigan
Bagong Pasilidad Pangkalusugan sa Tayabas, Ininspeksyon ng Pamahalaang Panlalawigan
Bagong Pasilidad Pangkalusugan sa Tayabas, Ininspeksyon ng Pamahalaang Panlalawigan
Shared on
Scroll to Top