26 March 2026

Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang LSB Meeting para sa Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Tayabas

Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang LSB Meeting para sa Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Tayabas
Pinangunahan ni Local School Board Chairperson, City Mayor Piwa Lim, ang LSB Meeting kung saan tinalakay ang mga plano, proyekto, at mga hakbang tungo sa patuloy na pagpapaunlad ng sektor ng edukasyon sa lungsod, noong Miyerkules, March 26, 2026, sa OCM Conference Room.
 
Sa nasabing pulong, naging sentro ng diskusyon ang mga programang maghahanda sa mga kabataan para sa isang mas maayos at mas maliwanag na kinabukasan. Binigyang-diin ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at ng sektor ng edukasyon upang matiyak ang de-kalidad at inklusibong edukasyon para sa lahat.
 
Dumalo sa pulong sina City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz, City Schools Division Superintendent Celedonio B. Balderas, CSDO Administrative Officer Conrado Gabarda, City Budget Officer Esperanza E. Cabriga, Acting City Treasurer Jerson T. Palambiano, GSO Cecil Potestades, BPLO Mark Jay Sumilang, SP Committee Chairman on Education Ana Obispo, SK President Miguel Obdinela, Principals and School Heads Association Vice-President Joy B. Go, CSDO Planning Officer Marife Lagar, PTA Federation President Arceo F. Divinagracia at CPDC Gino Zaporteza.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang LSB Meeting para sa Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Tayabas
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang LSB Meeting para sa Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Tayabas
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang LSB Meeting para sa Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top